Monday, February 20, 2012

Mga Tanong sa Syota kong Engineer (1979) - Richie Valencia

Sabi nga nila mataas ang tingin sayo kung ikaw ay gumradweyt bilang isang engineer. dahil may mataas kang pinag-aralan. Matalino, Madiskarte, May maganda ang kita. Kaya naman kaysarap pankinggan kung ang boyfriend mo ay kumukuha ng kursong engineering at makakapangasawa ka ng isang engineer. Siguradong maganda ang iyong kinabukasa.

Ngunit sa kabila ng mga ito, marami pa rin ang tanong. ano pa ang alam mo? at para saan o kanino ang alam mo? Magaling sa maraming bagay, Matalino, Magaling sa arithmetic, Madiskarte at pino ang trabaho. Ilan sa mga katangian ng engineer. Yan! ang " TATAK ENGINEER"

Sa kabilang dako, may nagsasabing " Engr ka nga pero hanggang taga gawa ka nalamang ba ng bumber?" Kung sa ibang lugar mas ginagalang ang ibang lahi, mas pinapansin gayong pareho lang naman kayong engr. Ang nagdidisenyo at gumagawa ng ating mga tulay at kalsada. Sari saring establisyimento, mga naglalakihang gusali at pabrika ngunit marami parin ang mabilis masira dahil hindi pinagbubuti ng iba ang kanilang trabaho? o may iba ng pinupuntahan ang pondo? Hindi nila naiisip na maraming tao na ang nagdurusa at napeperwisyo sa mga ganitong kapalpakan habang sila'y nagpapakasasa sa salapi at ninanais pa madagdagan ito at naghahangad na umangat pa sa lipunan. Dalawa lamang ang klase ng engineer. Isang " GAHAMAN" at isang " TAPAT SA SINUMPAAN"

Huwag nating hayaan na ang mga engineer at ang mga susunod pa na katulad namin ay dungisan ang reputasyon at  mataas na pagtingin sa atin. Pangalagaan natin at lalo pang pagyamanin.

Dapat alam natin ang ating ginagawa. Huwag tayong maging makasarili. Gawin lamang ang mga bagay na marami ang makikinabang. Pag aralan ang mga bagay bagay at gawin itong kapakipakinabang sa iba. Kumilos tayo para sa ikauunlad nating lahat. Huwag tayong manloko o gumawa ng masama gampanan natin ng maayos at kasiya-siya sa mata ng Diyos ang sinumpaan at susumpaan nating tungkulin sa hinaharap."GANYAN ANG ENGINEER!"

-Saneth Aquino Salino
-BS ECE 1D