Friday, December 30, 2011

Pinakanakakainis na karanasan ngayong CHRISTMAS BREAK 2011

Halos lahat naman masasayang karanasan. Pero syempre may natatanging hindi.

Pinakanakakainis na karanasan ko ngayong Christmas break ay noong pauwi ako sa San Miguel, Bulacan galing Guiguinto, Bulacan. December 30, 2011 alas dos ng hapon. Kasalukuyan akong gumagawa ng isang proyekto ng biglang i-text ako ng aking ina at ang nilalaman,“Umuwi ka ngayon dito. Pinapauwi ka ng Tito Malcolm mo. Sabihin mo sa Tita Mylene mo. Text ka 'pag nasa arko(San Miguel) ka na sunduin ka. Uwi ka na now na. Ok!”. Medyo nainis ako kasi dapat kinabukasan pa ako uuwi sa amin. Pagkatapos, naggayak na ako ng gamit pauwi at nagpaalam na sa tita ko.

Mula baranggay Tabe, Guiguinto, Bulacan, sumakay ako ng traysikel papuntang Cruz at nag jeep papuntang Sta. Rita para doon maghintay ng bus.

Pagdating ko doon, nagkalat ang mga pasaherong nais makasakay sa aircon na bus at isa na ako don. Alas singko ng hapon ng makarating ako roon...

Inabot na ako ng tatlumpung minuto kakahintay ng bus na masasakyan ngunit may dumating man punuan naman. Sa hinaba-haba ng aking paghihintay, wala akong nagawa kung hindi sumakay na lang sa jeep papuntang San Miguel dahil minamadali nga akong umuwi. At kung maghihintay ako ng maghihintay, masyado na akong gagabihin lalo na't ako lang mag-isa, babae pa ako ay nakakatakot. Dahil jeep ang sinakyan ko, tatahakin ko ang daan papuntang San Miguel sa loob ng dalawang oras.

Sa sobrang malas ay napakatrapik sa daan dahil na rin rush hour at sabay-sabay ang mga taong nagsisiuwian para sa bagong taon. Mula Sta. Rita hanggang Baliuag ay napakatrapik kaya naman init na init na ako, ang ingay pa ng katabi ko. Nakakainis dahil hindi kami magkaintindihan ng kausap ko sa telepono...

Makalipas ang dalawang oras ng biyahe bumaba na ako ng jeep at hinintay ang susundo sa akin. Ang tagal. Maya-maya, nagtext na naman ang aking ina sa akin at ang sabi, “hindi ka na masusundo, may pinuntahan. Sumakay ka na lang dyan”. Wala akong nagawa. Nakauwi ako sa amin ng pagod na pagod sa biyahe, hirap na hirap at init na init dahil hindi ako nakasakay sa aircondition na bus. :(


- Saneth Aquino Salino
BS ECE 1D

Monday, December 19, 2011

_Magkabilaan- Joey Ayala_ (Reflection)

Para sa aken ang ibig sabihin ng awiting ito ni "Joey Ayala" ay dapat pang magkaroon ng gera upang mapansin natin ang pagkakaisa. Ang iba naman ay sinasabing kailangan muna na mawala ang isang tao o isang bagay bago mo ito mapansin. Sabi nga nila "ang halaga ng isang criminal ay nasa pulis" kumbaga ay nasa paghahabol ng pulis kung paano nagiging mabigat ang halaga ng criminal.

"Ang tao ay papahalagahan lang liwanag kung ito ay nakaranas na ng kadiliman."

Ang buhay ay nabubuo ng 'Kontradiksyon" na nagbibigay ng "Tunggalian ng dalawang uri. Dapat nating tandaan na walang taong namamagitan o "Nuetral" dahil kapag ikaw ay ganito ikaw ay may pinapanigan na.






-Saneth Aquino Salino
BS ECE 1D

Saturday, December 17, 2011

_Buhay Manlalaro_


Gusto kong ibahagi ay ang buhay ko bilang isang manlalaro.

Isa akong manlalaro ng Table Tennis o Pingpong noong ako ay nasa Mataas na Paaralan ng San Miguel. Nasa ikalawang taon ako noong ako ay sumali. Napili ako na maglaro sa Provincial Meet matapos kong manalo sa aming ginanap na Intramurals. Masaya ang buhay manlalaro dahil hindi na kailangang mamroblema sa MAPEH. Ang kapalit ay mag-iinsayo at maglalaro kami para na rin sa karangalan ng aming paaralan. Ipinapalit namin ang oras sa MAPEH sa pagiinsayo. At pagdating ng hapon, kailangan parin naming maginsayo ng kapwa ko manlalaro. Alas dos ng hapon wala na kaming klase. Mula alas dos sabay-sabay magiinsayo ang mga manlalaro hanggang alas singko ng hapon araw-araw.

Pagkatapos ng sem-break, kailangan na naming mag-insayo ng maghapon. Kailangan naming magpaalam sa lahat ng gurong humahawak sa bawat asignatura namin upang makapaginsayo kami ng maghapon.

Isang buwan bago ang Provincial Meet, kailangan naming mag quartering. Isang linggo kaming matutulog sa aming paaralan para na rin sabay-sabay kaming gumising at maagang makapagumpisa. Para maging ligtas kami, may mga kasama kaming guro sa silid upang kami ay bantayan. Nakabukod ang silid ng mga babae sa mga lalaki. Medyo mahirap din, sapagkat, sama-sama kaming natutulog sa iisang kwarto kasama pa ang ibang grupo ng manlalaro, walang kama, kanya-kanyang dala ng gamit, pantulog(kutson, unan, electricfan, kumot, atbp.), mahirap maligo dahil una-unahan at palikuran ng paaralan ang pinaliliguan namin at kapag kakain na kailangan pa naming pumila upang lahat ay mabigyan ng maayos. Sapat naman kami sa pagkain kaso minsan hindi masarap at tila hindi makakapagpadagdag sa aming lakas. Kailangan naming gumising ng alas singko ng umaga upang mag-ehersisyo, maligo. At pagsapit ng alas syete ng umaga, magiinsayo na kami hanggang alas otso ng gabi. At ang tanging pahinga na lang namin ay kapag kakain na kami ng tanghalian at hapunan o kaya nama'y magmimiryenda at kapag matutulog na. Pagkatapos mag-insayo ng gabi, magpapahinga lang kami ng kaunti, maliligo ulit at matutulog na upang maghanda sa susunod na insayo para bukas.

At ang mahalaga, makakatagpo ka ng bagong mga taong pwedeng pagkatiwalaan at maging kaibigan. Hindi rin alintana ang pagod at tagal ng insayo lalo na kung may maayos kayong pagsasamahan at tiwala sa isa't-isa. :)


- Saneth Aquino Salino
BS ECE 1D